Mga Pahina

About

Ang Blog na ito ay pagmamay-ari ng limang kakaibang nilalang. Bagamat normal sa panlabas na anyo, sila ay may natatagong sikreto. Hindi sila pangkaraniwan. Sila'y iba sa iba.

Ang limang ito ay binubuo ng taong inbisibol, nakalilipad, kayang bumasa ng isip ng iba, may pambihirang lakas at may katawang nababanat na parang goma.
Sa oras ng kagipitan, kaguluhan at ang kasamaan ay nagtatangkang maghari sa sanlibutan .. . handa nilang ibuwis ang kanilang buhay upang iligtas ang sangkatauhan at ibalik ang kapayapaan.

At higit sa lahat ... ang lahat ng ito ay imahinasyon ko lang...

Oo, lima sila.
Oo, kakaiba sila.
Oo, maasahan sila.
Oo, matulungin sila.
Oo, kaya nilang magsakripisyo para sa iba, ... pero hindi sila superhero.
Sila'y mga simpleng tao na nangangarap maging extra ordinaryo.

Sa pamamagitan ng blog na ito, sila'y umaasang mas makilala niyo. Di man sila superhero, sana makapagdulot ng pagbabago para sa bayan, sa kapwa, sa kaibigan, sa pamilya o sa bawat indibidwal.

Madrama ba? tuloy mo lang ang pagbabasa malay mo may matutunan ka.

Sila ay mga "trying hard" na web developer, writer, cartoonist, graphic designer, singer, bandista at ang iba gustong maging bida sa sarili nilang manga. Sila ay nagsama-sama para  mabuo ang iyong binabasa. Ito ay para papurihan at ipagyabang ang idolo nilang manunulat. Marahil alam mo na, sa banner palang makikilala na kong sino ang taong ipinagmamalaki nila.



Ang layunin ng grupong ito ay upang ibahagi sa inyo ang kanilang iba't-bang interpretasyon sa iba't-ibang libro na kanilang nabasa. Naniniwala silang magagaling ang manunulat na pinoy.

Ang blog na ito ay para sa mga manunulat, gustong maging manunulat, mambabasa , sa mga taong naniniwala sa kapangyarihan ng mga salitang nababasa at higit sa lahat, ito ay para sa INYO na naniniwala sa talento ng mga manunulat na Pilipino. Tangkilin natin ang sariling atin, mabuhay ang mga Pinoy Awtor.




Sila ang bumubuo ng blog na ito:


jengkoy

Ipinanganak nong maganap ang kauna-unahang People Power sa EDSA. Siya ay kasalukuyang nakatira sa kasulok-sulukang bahagi ng ParaƱaque, malapit sa paradahan ng traysikel at ihian ng mga taong naglalasing. Ordinaryong tao pero may extra ordinaryong pangarap sa buhay.
Hindi siya matalino, pero hindi naman bobo, sapat lang para makabuo ng blog at makapagsulat gaya ng binabasa mo.
Galing siya sa pamilyang marunong magsikap at mangarap sa buhay. Di man nanggaling sa marangyang pamilya, siya ay nakapagtapos ng kolehiyo at may maayos na trabaho.

Siya ay naniniwalang ang Diyos ay iisa at wala ng iba.



MACoi

Isang nilalang na may pang araw araw na trabaho at panghinaharap na pangarap. Malayang hinahanap ang nais sa buhay habang pilit na tinatakasan ang limitadong halaga ng araw araw na kita.

Makikita sa isang payak na lugar sa pagitan ng Paranaque at Pasay at namumuhay nang payapa sa piling ng masayang pamilya. 
Malikhain at maraming plano, ligaya ang kumain, magbasa, at magkape habang nangangarap. Sa ngayon ay patuloy niyang hinahanap ito sa piling ng mga tunay na kaibigan at ng May-lalang na kaniyang pinaniniwalaan.






johntreb
Nilalang na may ngiti sa mukha, bumabangong may pagkilala sa May-lalang. Siya ay lumaking mapanuri sa antas ng pamumuhay sa mundong ibabaw at natuto mula sa mapapait na karanasan at pagkakamali ng iba. Siya ay naniniyasat sa pag-galaw ng mga bagay sa kasalukuyan na hindi kailanman humusga sa mga nakikita at naririnig lalo na't di alam ang katotohanan.

Mahilig din siyang mangolekta ng mga bagay na may pagkilala sa bakas ng kahapon. Siya ay hamok sa fries, naglalaway sa siomai house at kumakain ng munggong pinatubo.

Kaligayahan niya'y pamilya at makita ang matatamis na ngiti ng mga kaibigan.  Kaaliwan niya ay maglikod sa Diyos.

Siya ang pinaka bata sa limang magka-kaibigan pero hindi niya  ito nakikitang
                                          hadlang upang makamit ang mala-heganteng Pangarap.
                                                                                                                                               ^___^'                                                                                                            



0 comments:

Post a Comment