Paglalarawan sa kalagayan ng lipunan na iyong ginagalawan ang makulay na aklat na ito ni Uncle Bob. Isang buhay ng isang tipikal na Pilipino na naghahanap na tunay na kahulugan ng lipunang kanyang ginagalawan na nasa katauhan ng ating bidang talangka na si Tong. Pagkakasakit ng hari ang siyang magiging malalim na dahilan ng paghahanap ni Tong ng puso ng saging na sinasabing makapagpapagaling raw sa malubhang sakit ng hari.
Sa kanyang paglalakbay sa gubat mula sa karagatang kaniyang pinagmulan ay makikilala niya ang mga naghahari harian sa gubat na sina Buwaya, Leon, Palaka, at Tipaklong. Lahat sila'y may iisang pakilala na sila ang Hari ng kagubatan kaya naman nananatiling magulo at baha-bahagi ang mga hayop sa Kagubatan.
Sa bandang huli ay makikita rin ni Tong ang nasabing puso ng saging na siyang inaasam asam ng maraming hayop sa kagubatan. Si matsing ang tutulong sa ating bida para makilalang lubos ni Tong ang tunay na kahulugan ng buhay at ng lipunang kaniyang ginagalawan.
0 comments:
Post a Comment