Kong ikaw ay pinanganak noong dekada 80 at lumaki na ang usong pelikula ay Dingding lang ang Pagitan, Virgin People, Nardong Putik, Virgin Forest, Mga Nakaw na Sandali, Impaktita, Blusang Itim, Mga Kwento ni Lola Basyang at tinilian mo ang Bagets, malamang na pinanuod mo to gamit ang Betamax. Walang pang Ipod, Itouch, Iphone o cable nong panahon na yon, kaya kong may betamax ka, siguradong sikat ka.
Ang Betamax ay unang nilabas noong Ika-10 Mayo taong 1975. Ito ay pang masa na "analog videocassette magnetic tape recording format" na gawa ng kumpanyang sony.
Sa kasalukuyan, wala ng gumagamit ng betamax pero may mangilan-ngilan paring gumagamit nito para sa espesyal na aplikasyon.
Isa pang uri nito na alam ng karamihan ay ang pagkaing tinatawag na betamax. Ito ay normal na matatagpuan sa gilid ng kalsada.
Ito ay kalimitang inihaw na dugo ng baboy o manok na pinatigas at may halong asin.
Paborito itong kainin ng halos karamihan ng mga pinoy. Depende sa panlasa mo, pwede mo itong isawsaw sa matamis, maanghang o matamis na maanghang na sauce.
Ang betamax ay masasabing isa sa mga unique na pagkaing makikita lamang sa Pilipinas.

0 comments:
Post a Comment