Mga Pahina

Tuesday, November 15, 2011

Project of

            Bata : "eh ano yong "Project of?"
                                    ...
        Mayor : "Ibig sabihin no'n yong governor o kaya mayor nagpagawa ng plaza, o kaya basketbolan, tulay, daan ... ganon ..."
          Bata : "Paguwi sa bahay, susulatan ko rin yong sahig ng pangalan ko kasi ako nagwawalis, nagpofloorwax, nagbubunot -- "
Aling Baby : "Hoy, sinswerte ka! Obligasyon mo yon, pinagaaral ka ng daddy mo. Para yon lang, ipagmamalaki mo pa samin!? manigas ka!"

Ang tagpong ito ay mula sa ika-anim na libro ni Bob Ong na pinamagatang "Kapitan Sino". Sa tagpong ito, nagtanong ang batang anak ni Aling Baby tungkol sa kong anong ibig sabihin ng mga karatulang nakita niya sa paligid na siya namang sinagot ng maayos ng Mayor ng Pelaez.

Project of, Greetings from, ang mga katulad neto ay kadalasang makikita sa mga karatula o tarpulin na nakasabit sa kong saan-saan na galing sa mga pulitiko o nagbabalak pumasok sa magulo, masalimoot at napakahirap na mundo ng pulitika.

Kong ating iisipin, "oo nga noh!". Bakit kelangang ilagay o ipaskil ang pangalan ng taong nagpasimuno ng isang proyekto para sa bayan? Kelangan ba talagang ipagyabang ito? Hindi ba't responsibilidad naman talaga nilang magpatayo ng mga imprastraktura kagaya ng tulay, paaralan o ospital?

Hindi tuloy maiwasang magisip ng taong bayan na pawang papogi at pagpapalawak lang ng pangalan ang tunay nilang motibo. Unang-una, ang proyektong kanilang ipinagawa ay galing sa kaban ng bayan na nanggaling sa buwis ng taong bayan. Sila'y kasangkapan lamang para mapabuti ang karamihan.

Kamakaylan lang ay may pinanukalang batas ang isang kilalang Senadora. Ito ay tinawag niyang "Anti-Epal Bill". Ang layunin nito ay upang maiwasan ang "self-praised" politicians sa bansa. "Onli in da pilipins" ika nga ng iba, gagawa ka para maging bida. Pabida, Epal, Mapapel, *upal, at kong ano-ano pang kagaya neto. Marami tayo niyan dito sa Pilipinas. Sa dinami-dami ng pwedeng maging endangered species bakit hindi pa sila?

Tama si Aling Baby, obligasyon nila yon. Ang papuri ay dapat na mapunta sa mga taong bayang tapat na nagbabayad ng buwis, hindi sa mga buwayang pulitiko na gustong magmukhang santo sa harap ng publiko.


Pinoy Awtor: jengkoy






0 comments:

Post a Comment