Mga Pahina

Books


ABNKKBSNPLAKo?! Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong
by Bob Ong

ISBN:9719234202
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2001

Synopsis
Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?
Bakit masakit sa ulo ang Mathematics?
Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?
Bakit may mga taong nakapikit sa Litrato?
Masarap ba ang Africhado?
Sino si Tigang?
Bakit may mga classroom na kulang ang upuan?
 Masama bang mag-iisip nang malalim habang naglalakad?
Saan ang Ganges River sa Pilipinas?
Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid?
Sino ang webmaster ng mga bobong pinoy sa internet?
No calculators.
No dictionaries.
No erasures.
No cheating.
Oops, time's up!
Pass your papers. 

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
Mga Kuwentong Barbero ni Bob Ong
by Bob Ong

ISBN:9719257407
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2002

Synopsis
Ano ang lasa ng Toning Water?
Na-dagitab ka na ba?
Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino?
Saan makakabili ng artificial fresh flowers?
Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima?
Paano makipagkaibigan sa bangaw?
Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat?
Kay Jesus ba talaga napupunta ang mga lumipad na lobo?
Ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam?
Talaga bang "best buy" ang mga Pinay?
Pagod ka na bang maging Pilipino?
At bakit ka nga pala baligtad magbasa ng libro?
Ngayong N K K B S K N T L G, eto ang sequel ...dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere, may New Testament and Old Testament, at may Toy Story 2 ang Toy Story.
Ano ang mukha ng bayan mo? Ito ang isa sa masasagot mo sa pangalawang libro ni Bob Ong. Ang bayang kinalimutan ng bagong henerasyon o ang bayang patuloy na isinasalba ng kasalukuyang pinuno nito.

Alamat ng Gubat
by Bob Ong

ISBN:9719257415
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2004

Synopsis
WELCOME TO THE JUNGLE!
Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisadong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!
Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat.
ANG LIBRONG PAMBATA PARA SA MGA MATATANDA!

Stainless Longganisa
by Bob Ong

ISBN: 9719257423
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2005

Synopsis
Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo!, Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro Ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali--ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang paraan ng pagsusulat.

"Wow! Konti na lang ang typo!"
-J.K.Rowling
"Super pwede na!"
-Dan Brown

Mac Arthur
by Bob Ong

ISBN:9719234241
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2007

Synopsis
Merong matigas. Merong malambot. Merong tuwid. Merong kulot. Merong buo. Merong durog. At merong mga taong hindi basta-basta lumulubog. Batung-bato ka na ba? Rock-rockan na!


Kapitan Sino
by Bob Ong

ISBN:9789710545018
Publisher: Visual Print Enterprises
Released: 2009

Synopsis
THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong รข€˜yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon 
 Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan
by Bob Ong

ISBN:9789710545032
Publisher: Visprint, Inc.
Released: 2010

About
Ang kauna-unahang horror na akda ni Bob Ong. Ito rin ang kauna-unahang libro na nilabas sa iba't-ibang panig ng bansa ng sabay-sabay.

0 comments:

Post a Comment