Mga Pahina

Tuesday, November 15, 2011

Ang Paboritong Libro ni Hudas



Isa itong libro na magpapatigil sandali sa oras mo. Pagninilay-nilay ito ng mga katotohanan ng buhay at ng mga nagawa at di mo nagawa. Dito ipapakita na may kakayahan kang baguhin ang kapalaran mo. Na ikaw ang hari ng iyong sarili at wala kang pwedeng sisihin kundi ang iyong sarili lamang.

Ang paniniwala na kung may Diyos ba o wala ay siyang tunay na mensahe ng may-akda. Ikaw? Naniniwala ka ba na may Diyos? Kailangan pa bang ipaliwanang na may Diyos ngang nakatunghay sa atin ngayon?

Sa librong ito mababasa ang mga totoong pangyayari sa buhay. Na ang buhay ay hindi simple at hindi rin naman ganoon ka kumplikado! Na kaya nating harapin ang buhay gamit ang sarili nating paniniwala at pananampalataya na kaya nating dalhin ang buhay sa susunod nitong mga hamon.
Paborito nga ba itong libro ni Hudas at hindi ng mga fans ni Bob Ong ang pamagat ng nasabing aklat? Ito nga ba ang pboritong libro ni Hudas?  o ng mga taong nais malaman ang dahilan kung baket may mga taong nakakayang kitlin ang kanilang sariling buhay dahil sa iilang mga kadahilanan.

0 comments:

Post a Comment