Mga Pahina

Thursday, November 24, 2011

Betamax

Kong ikaw ay pinanganak noong dekada 80 at lumaki na ang usong pelikula ay Dingding lang ang Pagitan, Virgin People, Nardong Putik, Virgin Forest, Mga Nakaw na Sandali, Impaktita, Blusang Itim, Mga Kwento ni Lola Basyang at tinilian mo ang Bagets, malamang na pinanuod mo to gamit ang Betamax. Walang pang Ipod, Itouch, Iphone o cable nong panahon na yon, kaya kong may betamax ka, siguradong sikat ka.
Ang Betamax ay unang nilabas noong Ika-10 Mayo taong 1975. Ito ay pang masa na "analog videocassette magnetic tape recording format" na gawa ng kumpanyang sony.
Sa kasalukuyan, wala ng gumagamit ng betamax pero may mangilan-ngilan paring gumagamit nito para sa espesyal na aplikasyon.


Isa pang uri nito na alam ng karamihan ay ang pagkaing tinatawag na betamax. Ito ay normal na matatagpuan sa gilid ng kalsada.
Ito ay kalimitang inihaw na dugo ng baboy o manok na pinatigas at may halong asin.

Paborito itong kainin ng halos karamihan ng mga pinoy. Depende sa panlasa mo, pwede mo itong isawsaw sa matamis, maanghang o matamis na maanghang na sauce.

Ang betamax ay masasabing isa sa mga unique na pagkaing makikita lamang sa Pilipinas.

Tuesday, November 15, 2011

Project of

            Bata : "eh ano yong "Project of?"
                                    ...
        Mayor : "Ibig sabihin no'n yong governor o kaya mayor nagpagawa ng plaza, o kaya basketbolan, tulay, daan ... ganon ..."
          Bata : "Paguwi sa bahay, susulatan ko rin yong sahig ng pangalan ko kasi ako nagwawalis, nagpofloorwax, nagbubunot -- "
Aling Baby : "Hoy, sinswerte ka! Obligasyon mo yon, pinagaaral ka ng daddy mo. Para yon lang, ipagmamalaki mo pa samin!? manigas ka!"

Ang tagpong ito ay mula sa ika-anim na libro ni Bob Ong na pinamagatang "Kapitan Sino". Sa tagpong ito, nagtanong ang batang anak ni Aling Baby tungkol sa kong anong ibig sabihin ng mga karatulang nakita niya sa paligid na siya namang sinagot ng maayos ng Mayor ng Pelaez.

Project of, Greetings from, ang mga katulad neto ay kadalasang makikita sa mga karatula o tarpulin na nakasabit sa kong saan-saan na galing sa mga pulitiko o nagbabalak pumasok sa magulo, masalimoot at napakahirap na mundo ng pulitika.

Kong ating iisipin, "oo nga noh!". Bakit kelangang ilagay o ipaskil ang pangalan ng taong nagpasimuno ng isang proyekto para sa bayan? Kelangan ba talagang ipagyabang ito? Hindi ba't responsibilidad naman talaga nilang magpatayo ng mga imprastraktura kagaya ng tulay, paaralan o ospital?

Hindi tuloy maiwasang magisip ng taong bayan na pawang papogi at pagpapalawak lang ng pangalan ang tunay nilang motibo. Unang-una, ang proyektong kanilang ipinagawa ay galing sa kaban ng bayan na nanggaling sa buwis ng taong bayan. Sila'y kasangkapan lamang para mapabuti ang karamihan.

Kamakaylan lang ay may pinanukalang batas ang isang kilalang Senadora. Ito ay tinawag niyang "Anti-Epal Bill". Ang layunin nito ay upang maiwasan ang "self-praised" politicians sa bansa. "Onli in da pilipins" ika nga ng iba, gagawa ka para maging bida. Pabida, Epal, Mapapel, *upal, at kong ano-ano pang kagaya neto. Marami tayo niyan dito sa Pilipinas. Sa dinami-dami ng pwedeng maging endangered species bakit hindi pa sila?

Tama si Aling Baby, obligasyon nila yon. Ang papuri ay dapat na mapunta sa mga taong bayang tapat na nagbabayad ng buwis, hindi sa mga buwayang pulitiko na gustong magmukhang santo sa harap ng publiko.


Pinoy Awtor: jengkoy






Ang mga Kaibigan ni Mama Susan

Isang kwento ng isang batang lalake na pinalaki sa isang wasak at magulong pamilya. Pamilyang di magkasundo at pamilyang walang gaanong atensyon ukol sa pagpapahalaga sa isa't isa.

Lumaki si Galo (Gilberto Manasala) sa tiyahin niya sa mother's side. Isang binatilyong nagpupumilit makatapos ng kanyang pag-aaral habang kapos sa panustos at mga pangangailangan.

Nagpatuloy ang istorya nang malaman niya na nagkasakit ang kanyang lola kaya napilitan siyang umuwi ng probinsya para makita ito ng buhay. Sa kalagitnaan ng istorya makikilala ni Galo ang tunay na pagkatao ng kanyang lola at ang koneksyon ng mga bangungot niya gabi-gabi ukol sa isang babaeng walang mukha. Di nagtagal ay binawian na rin ng buhay ang kaniyang Mama Susan at dito na nagsimula ang mala-misteryong buhay ni Galo sa mga kaibigan sa bahay ni mama susan.

Kapitan Sino




Talasalitaan
Chikinini, Pritos Ring, Startkist, Rinbee, Cheezums, Yantok, Cassette Player, Lipps, Mr. Cinco, Texas, Tarzan, Video Rewinder, Family Computer, Atari, Betamax, Walkman, Royco, Ora Engkantada, Funny Komiks, Dennis da Silva, McGyver, Bomber Moran, Dante Varona, Minolta, Timmy Cruz, Exupery, Jograd dela Torre, Carole King, Ernie Barron, Caselyn Francisco, Star Ranger, Tak-Q, Max Headroom, Space Ghost, Blackstar, Klone, Heckle and Jeckle, Fraggle Rock, Frogger, Space Invaders, Great Space Coaster

MACARTHUR

Para maabot ang magandang hinaharap ay kailangan nating lingunin ang nakaraan para mabago ang kasalukuyan. Kaya may mga bagay sa mundo na ating binabalik-balikan para sa ikagaganda ng ating buhay. Ngunit paano kung sakaling ang babalikan natin ang siyang makasisira nito.

Apat na magkakaibigan ang magsasama-sama sa kwentong ito na bubuo ng kani-kanilang pangarap. Sa bandang huli hindi na rin nila natupad ang mga ito sa kadahilanang natisod sila sa malaking batong humarang ng kanilang mga pangarap. Batong imbes na makatulong para makalimutan ang panget na kahapon ay mas nagbigay pa ng mas kalagim-lagim na katapusan. At dito naunawaan ng bidang si Noel ang tunay na halaga ng pamilya.

Stainless Longganisa

Alamat ng Gubat

Paglalarawan sa kalagayan ng lipunan na iyong ginagalawan ang makulay na aklat na ito ni Uncle Bob. Isang buhay ng isang tipikal na Pilipino na naghahanap na tunay na kahulugan ng lipunang kanyang ginagalawan na nasa katauhan ng ating bidang talangka na si Tong. Pagkakasakit ng hari ang siyang magiging malalim na dahilan ng paghahanap ni Tong ng puso ng saging na sinasabing makapagpapagaling raw sa malubhang sakit ng hari.

Sa kanyang paglalakbay sa gubat mula sa karagatang kaniyang pinagmulan ay makikilala niya ang mga naghahari harian sa gubat na sina Buwaya, Leon, Palaka, at Tipaklong. Lahat sila'y may iisang pakilala na sila ang Hari ng kagubatan kaya naman nananatiling magulo at baha-bahagi ang mga hayop sa Kagubatan.

Sa bandang huli ay makikita rin ni Tong ang nasabing puso ng saging na siyang inaasam asam ng maraming hayop sa kagubatan. Si matsing ang tutulong sa ating bida para makilalang lubos ni Tong ang tunay na kahulugan ng buhay at ng lipunang kaniyang ginagalawan.